Taurus :))

Biyernes, Marso 15, 2013

BEHEYVYORAL SAYANS

BEHEYVYORAL SAYANS
ni German Gervacio


n.
A scientific discipline, such as sociology, anthropology, or psychology, in which the actions and reactions of humans and animals are studied through observational and experimental methods.

sige nga, mag-experiment tayo
dapat lang
tayo kasi ang mga pantas
ang siga
ang astig

maglagay tayo ng mga kuting
sa isang garapon

at obserbahan natin

kung halimbawang

ang isang kuting ay palayasin natin

dahil nabalam ang pag-iintriga niya ng daga

na pinakabayad niya 
sa pagtira niya sa garapon

dahil ang kanyang papa cat
at mama cat

ay naantala sa pagsasangla
ng labingwalo nitong

mga buhay

panoorin natin

kung paano ngumawa ang kuting
kung paano
lumuhod

hanggang magasgas

ang tuhod
at dangal

mga hangal naman talaga itong kahayupan

kaya dapat lang ito sa kanila

ni hindi nga nila alam

na kanila naman talaga 

ang garapon

kaya, sige nga

mag-experiment tayo

gaya nang lagi nating ginagawa

at mataman natin silang obserbahan

kung paano nagdadalamhati

ang kahayupan

eto

teka

teka

parang tunay ang pagdadalamhati

sa pagkawala ng isang buhay

ng isang babaeng kuting

sige nga,

mag-experiment tayo...

obserbahan natin

kung magkakalakas-loob na itong

mga kahayupang ito

na

m

a

ng a

l

m

o

o

o

o

t

t

t

.
.
.