Taurus :))

Biyernes, Nobyembre 6, 2015

"KAIBIGANG KA-IBIGAN"

"KAIBIGANG KA-IBIGAN"
By: *Christopher Ohya
Nagkakilala tayo sa teks bilang magkaibigan
Umaga hanggang gabi ikaw ang kakwentuhan
Hindi kumpleto ang araw ko kapag ikaw ay hindi nag-reply
Ako ay nababahala, di mapakali at natatamlay
Nahulog ang loob ko sa'yo ng di ko namalayan
Walang ibang laman ang isip ko kundi ikaw kaibigan
Iba ang saya na nadarama ko habang ikaw ay kausap
Masaya ako dahil kateks ko ang aking pinapangarap
Sinabi mo sakin na ganito din ang iyong nadarama
Labis ang aking saya at umaapaw ang aking tuwa
Abot langit ang aking ngiti dahil
Inaasam ko ito ng palagi-lagi
Pero, potangina akoy iyong iniwan
Nang dahil lang sa simpleng bangayan
Napakababaw at hindi malinaw
Tinakpan mo ang pag-ibig mong sumisingaw
Ikaw pala ay salawahan
Ako'y iyong sinaktan
Subalit hindi ako naghinayang
Dahil ako ay iyong sinayang
Hindi nga pala tayo para sa isa't-isa
Ito'y wala ng pag-asa at hindi na ako umaasa
Ako ay nag move on at nakalimutan ka
Pero ang mga oras at mga sandali natin ay palagi kong dala
Salamat sa sugat na dulot mo
Kundi dahil dito, di ko matatamo
Na ang taong gahamot nito
Ay kasunod pala ng pagkawala mo
*SALAMAT DIAY SA PAGBASA HAHAHAHA



*Christopher Ohya is a College of Education student in Mindanao State University-Iligan Institute of Technology