shhhh!!! Ano daw?
|
Estudyante ng MSU-IIT
na sumisigaw ng NO To Budget Cuts |
|
isang biktima ng demolisyon sa Brgy.Calangahan,
Lugait Misamis Oriental |
Ang SONA ng bayan ay taliwas sa SONA ni PEEnoy. Pinagmamalaki niya ang mga Positibong pag-angat ng Pilipinas. Tinawag pa daw ito ng mga Investors na "Rising Tiger" at tayo na rin daw ang nagpapautang. Yes, hello! natawa ako sa mga sinabi ng mga taong iyon. Hindi ba nila nakita ang mga kabataang nasa lansangan ang wala sa paaralan? Nakikisabay sa agos nang buhay para maiahon ang sarili sa araw-araw na pakikibaka para makakain at makatulong sa pamliya. Ang iba pa nga ay pinipilit nalang magtrabaho para may makain ang kanyang pamilya. Hindi ba nila nakikita ang mga taong nasa gilid ng kalsada nakatira? Ang mga tao sa Brgy. Calangahan, Lugait, Misamis Oriental na patuloy parin ang pagsasalap ng liwanag sa kabila ng dilim na daan na kanilang tinatawid para maibalik saila sa kanilang pwesto galing sa pagkasira ng kanilang mga bahay dahil sa Illegal Demolition na inaprobahan daw ng LGU at ng Korte ngunit wala silang natanggap ni anumang babala na may Demolisyon na magaganap. Mag-dadalawang buwan na rin silang nakasilong sa barongbarong na parang bahay ng "daga", sabi nga ng isang bumisitang kamag-anak ng biktima. Kay sakim talaga nila. Gobyerno! para kanino? Para sa mga may pera na nagbibigay ng pera pa-sekreto o sa mga mamamayan na naghihirap at inaapi ng kapwa tao ? Hay naku po. kay hirap talagang manghagip ng hustisya sa isang sistemang Bulok at Pasista. Pumaling naman tayo sa usaping pang-EDUKASYON. Ano ba kaya ang nagawa ng ikatlong taon ng reheming AQUINO para dito. "palaguin pa natin ang di bababa sa 40 bilyong piso kada taong dagdag ng perang napupunta sa edukasyon, kalusugan, serbisyong panlipunan, at marami pang iba, dahil sa tama at mas masugid na pagkolekta ng buwis; dama namin ang marami pang ibang patunay na talagang nagbabago ang lipunan."- sabi ni Pinoy sa kanyang speech. Yes, hello! kami dito sa MSU-IIT ay hindi iyan nadarama. Patuloy parin ang pag-increase ng mga bayarin sa Skwela. Assessment Fees, Internet at Medical fees, Excessive and redundant fees, at pati na rin mga IGPs (i.e Workbooks, Tickets at Tshirts.) Hindi namin basta-basta masisisi ang aming administrasyon dahil alam namin na sila ay biktima lang din sa pagkaltas ng budget para sa Edukasyon. " EDUCATION is a right and not a privilege," ngunit parang hindi ko na daing ang ibig iparating dito. Ang mga kabataang gustong mag-aral ay hindi nnakapag-aral dahil sa pag-taas ng mga Tuitions at Miscellaneous Fees. Ang iba namang mga studyante tulad sa MSU-Main, Marawi City na mula sa 15,000 na estudyante noong 2012 ay 12,000 nalang ngayong 2013. Hala saan sila nagpunta?
Ang estado, itinayo para paglingkuran kayo. Kung may problema sa kalusugan, dapat kumakalinga ang gobyerno; sa panahon ng sakuna, nariyan din dapat ito para magbigay-lingap. Ano po ba ang ginagawa natin sa mga larangang ito?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento